Hindi mo maintindihan 
kung ba’t ikaw ang napapagtripan 
ng halik ng kamalasan
ginapang mong marahan ang hagdanan
para lamang makidlatan 
sa kaitaas-taasan, ngunit 
Kaibigan 
huwag kang magpapasindak 
Kaibigan, 
easy lang sa iyak 
Dahil wala ring mangyayari 
tayo’y walang mapapala 
wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan 
May panahon para maging hari 
may panahon para madapa 
dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan 
Umaaraw, umuulan
umaaraw, umuulan
ang buhay ay sadyang ganyan 
Umaaraw, umuulan 
Wag kang maawa sa iyong sarili 
isipin na wala ka nang silbi 
san’ dambuhalang kalokohan 
Bukas sisikat ding muli ang araw 
ngunit para lang sa may tiyagang 
maghintay............ 
Kaibigan, 
wag kang magpapatalo 
kaibigan, 
itaas ang noo