[i.] 
heto na naman 
nag-iisip, minsa'y nagtataka 
na sa 'kin na ang lahat 
bakit nangungulila 
[ii.] 
at nang makita ka 
ibang sigla ang nadarama 
pag-ibig nga ba ito 
ako'y nangangamba 
[refrain i:] 
Nais kong ipagtapat sa'yo 
sana'y dinggin mo 
ang lihim ng pusong ito 
kahit na tayo'y magkaibang mundo 
[chorus:] 
Ikaw nga ang syang hanap-hanap 
kay tagal na ako ay nangarap 
lumuluhod, nakikiusap 
ako ay mahalin mo sinta 
Ikaw nga ang syang magbabago 
sa akin, sa aking buhay 
handang iwanan ang lahat 
(upang makapiling ka / para lang sa'yo) sinta 
[iii.] 
nang makilala ka 
ibang saya ang nadarama 
alam kong pag-ibig ito, 
anong ligaya 
[refrain ii:] 
Nais kong ipatapat sa 'yo 
sana'y pagbigyan 
dinggin ang puso kong ito 
kahit na tayo'y magkaibang mundo 
.. upang makapiling ka sinta ..